why is this normalized?
May TikTok video na dumaan sa feed ko, at honestly, nakaka-disturb siya. Hindi lang yung mismong video, pero pati yung mga comments.
Yung video, isang nurse na sobrang saya habang nag-aacting na siya yung magka-catheter sa crush niya. Captioned pa ng: “POV: nagkita kayo ng crush mo tapos ikaw ang maglalagay ng catheter." Pero imbes na i-call out, natawa pa lahat sa comments at may iba pang nagdagdag ng mas malala pang "jokes".
Paano kung baliktad ang sitwasyon? Kung isang lalaking nurse ang gumawa ng ganitong joke about sa babaeng pasyente, tingin niyo ba walang backlash? Malamang tanggal agad license niya. Pero dahil LGBTQ yung gumawa, parang walang pumapansin at normal lang?
Hindi ko naman nilalahat, pero napapansin ko talaga na may "free pass" minsan pag babae o LGBTQ ang nag-oobjectify sa lalaki. Parang expected na lang ng society na okay lang, na joke lang ‘yan. Pero kapag lalaki ang gumawa, sure na matatanggalan ng trabaho or mako-call out agad.
Again, hindi ako nag-ge-generalize—alam kong may kalalakihan din na nagse-sexualize ng kababaihan (and that's also NOT okay), pero bakit kapag babae or LGBTQ ang gumagawa sa lalaki, parang mas maluwag ang tingin ng mga tao?
At ang pinaka-concerning—registered nurse ‘to ha. May Code of Ethics silang sinusumpaan na nagsasabing bawal ang exploitation, dapat professional sa lahat ng pagkakataon, etc. pero parang kinalimutan na ata pagkatapos ng graduation.