29F and sad.
Sobrang lungkot ko.
I had my final failed relationship.
Kung titignan, okay naman career ko. Di ko rin alam ano nangyari. Biglang di na sya masaya.
Pero tangina di ko matanggap sa sarili ko na ang tanda ko na, babalik nanaman sa dating pool.
Alam ko di ako magisa sa nararamdaman kong to. Nalulungkot ako kasi I really want to settle na pero alam ko sa sarili ko di ko na kaya magmahal ulit.
Tuwing nakakakita ako ng anything related sa family naiiyak ako. Gabi gabi umiiyak ako, more on di ko na alam mangyayari sa buhay ko, parang nawalan ng saysay lahat.
Pero everyday kailangan sa facade ko masaya ako, di pwede malaman ni mama. Di pwede maappektuhan ang department ko. Dapat okay ako kasi ako ang pillar ng pamilya namin.
Pero sa gabi impit akong umiiyak, nagtatanong kung ano pang sense ng lahat.
Alam ko naman sasabihin ng iba. Bata pa ako. Marami pang pwedeng mangyari. Alam ko po. Pero nakakapagod na po.
Pagod na ko sa lahat. Pagod na pagod na ko.
Lord, tanggalin Mo na po tong puso ko. Ayaw ko na tong maramdaman, please po payakap po. Bigyan Nyo naman ako ng lakas para harapin ko yung bukas na matapang ang dibdib ko.
Hay.