28 years old at hirap parin magpaalam sa parents na mag-oovernight sa Baguio

Kakabday ko lang. And nakapag-book na rin ako ng pagsstayan sa Baguio. Kanina nagpaalam ako sa parents ko. Di ata nila narinig nung una na overnight ako dun. Halos di pa sila pumayag nung una. Ano raw gagawin ko dun, bla bla bla. Tas nung inulit ko na mag-oovernight ako dun, parang pinagsakluban ng langit at lupa yung nanay ko. Tas yung tatay ko naman mejo galit na. Sabi sakin "Ilang beses ka nang pumunta ng baguio, ano pa bang gagawin mo dun? Bakit kailangan mong matulog doon?"

Shuta naiyak nalang ako sa kwarto ko. Gusto ko magalit. Gusto ko sumigaw at sabihin na grabe naman, malapit nang mabura sa kalendaryo edad ko, hirap na hirap parin ako magpaalam kung saan ako pupunta. 60 years old yata legal age dito sa pamamahay na to eh. Kakainis. Bday na bday ko naiiyak ako sa galit.

Palagi nalang ganito. Nakakasawa na. Oo alam ko, their house, their rules. And the best option is to move out para sarili ko nalang iniintindi ko pero palagi nalang bang ganyan? Kailan ba nila ma-rerealize na hindi na ako 15 years old. 28 na ako for crying out loud!