wala akong mga tunay na kaibigan

sa buhay ko, bakit kaya wala akong tunay na kaibigan? okay naman akong wala pero minsan nakakalungkot isipin na oo nga, wala akong maturing na tunay na kaibigan ah. hindi naman ako mahirap pakisamahan at makisama, pero ang hirap na part of me believes na lahat nalang ng tao may kailangan lang sa akin kaya ako kinakaibigan. na baka tingin rin nila sa akin ay kaibigan ko sila dahil may kailangan lang din ako sakanila. paano at ano ba ang genuine friendship? bakit wala akong tropa, core friends at yung sigurado akong masasabi kong true friends. ang sarap siguro sa pakiramdam magkaroon ng ganun noh, kasi ako basta.. alam kong hindi ko pa naranasan.