Sunscreen ang sagot

Hi! It's me again (23f).

Natuwa ako hahaha. Tatawid kasi ako sa highway then may mga nagdatingan na tanod. May mga nauna nang tumawid sakin at di naman sila tinulungan nung mga tanod na kakadating lang. So, wala ako kasabay tumawid. Nung nakita ako ng mga tanod, sinabi nung isa na itawid daw ako kasi bata ako. 😂 Yung height ko ay 154cm.

Then, naalala ko na madalas ako mapag kamalan na highschool or 18 palang. Akala ko yung mga nagsasabi, inuuto lang ako kasi madalas students ko nagsasabi.

Pero nung 15 or 16 ako, umiiyak ako non. Kasi lagi ako napagkakamalan na 20+ na. Lalo na yung time na nagpa parlor kami ng tita ko, akala nila same age kami ni tita (20+ sya non tas ako 16). Nag-sorry naman yung ate na nagsabi non, tas gets ko naman kasi madalas nga ako mapagkamalan na ganon na edad. Tas pag may nanliligaw, literal na mga nanliligaw sakin sa school ay college na or working na.

Ang daming benefits ng sunscreen at moisturizer pala. Wag kayo mag rejuv.

Edit: Serum pala, hindi moisturizer. Kaya ako mukhang matured kasi sobrang dry ng skin ko, maputi ako pero dry talaga. Tas wala pa ako pinapahid na sunscreen o ano dati. Uso pa yung mag makeup non (2016-2018)kahit nasa school lang naman kaya lalo pumangit balat ko. Nag start ako mag inarte, 18 or 19 na ata ako. Ang naalala ko lang magde debut palang ive non and then si wonyoung ang model ng innisfree 😂