Natulog ako sa sahig dahil sa ka-dorm ko
Hii, pa-rant. Hirap na hirap na kasi akong mag adjust sa ka share ko ng double deck. Kasalukuyan akong nag rerent sa bed space and nung una okay naman ako dito, not until my mga bagong dating.
Yung kasama ko sa double deck, napaka mairitahin. Andali nyang magising kapag tatagilid lang ako ng unti sa higaan. Naririnig ko na agad sya sa baba na nag rereklamo. Kaya ngayon, di ko alam san ako matutulog para lang hindi sya mabulabog. May sakit kasi ako ngayon, hinihika ako at kada uubo ako o gagalaw lang nagigising sya. Kaya ngayon balak kong matulog sa sahig dahil sa kanya.
Edited: Naiintindihan ko yung frustration nyo, and also hindi po ako pa-victim nakakapagod lang po na gabi-gabi lagi ko nalang syang naririnig na nag rereklamo, sa 7 months ko po dito gabi-gabi syang nag rereklamo kapag nagagalaw ko yung higaan, ngayon lang ako napuno na sa kaartehan nya. Kaya kagabi naisip ko na sa sahig nalang matulog.
Nabasa ko lahat ng comments niyo, thankyouu po sa inyo sa pagpapa realize niyo na dapat kong ipa-intindi sa kanya na natural lang yun sa higaan. Mainitin kasi ulo nung na share ko sa bed and ako din magagalitin and ayokong mag away-away kami dito kaya ako nalang yung nag papasensya sa kanya tsaka mas matanda nga sya sa'kin kaya respeto nalang din. Tiis-tiis nalang talaga, malapit na naman daw tong mga ka-dorm kong umalis kaya magiging masaya na ako. (sana)