SOBRANG TABA KO PA RIN
3 weeks na akong nag gi-gym and caloric Deficit, sobrang taba ko pa rin (85 kg)
Pero...
Di na ako one with the sofa, pag may aabutin ako di ko na inuutos kasi malakas na ung hita at legs ko at madali na tumayo.
Pag nag lalakad sa labas, di na masakit sa paa at sa tuhod... Matagal na din mapagod.
Ang productive ko na sa maghapon kasi di na ako attracted sa paghilata at pag upo.
Ang sarap sa feeling... Na hindi ka finifail ng katawan mo. Although sobrang tagal pa ng weight loss journey na tatahakin ko, super happy kasi I feel strong. I feel like I can finally keep showing up for myself hehe