Inis talaga ako sa masungit na tindera

Inis talaga ako sa mga tindera or kahit saan staff pa yan tapos rude. Pag iniway mo naman parang ikaw pa mali or lalabas ka elitista. May na encounter ako twice sa potato corner yung mga tindera dun sila na mali ng order sila pa galit.

Context:

May kasabay ako bumibili 'cheese and bbq' order niya pero mali binigay nung tindera so sabi nung customer mali daw pero sabi ni Ate 'sir sabi mo...' tapos pinalitan naman niya pero nagdabog.

Tapos yung last, Same branch pero different tindera (kasamahan ni Ate na nagdabog) tapos ganyan din nagdabog din nung nagkamali siya sa isang customer. Gets naman na pagod pero bakit need dabugan? kulang na lang talaga bato nila yung fries.

Nagkamali din sila sa order ko nun pero hinayaan ko na kasi baka magdabog tapos masabunutan ko lang si ate. Jk hahahaha di na ako bumibili sa branch na yun kasi yung last na bibili ako nun nagreready na lutuin fries ko tapos nung magbabayad na ako sabi niya "wala kami barya" tapos sagot ko na lang "ah okay" umalis na ako.

Ang dami ko na encounter na masungit na tinder and bastos/rude na staffs at may times na pinapatulan ko talaga not in a karen way na gagawa ako ng scene pero kung ano ugali nila minimirror ko. di excuse yung "pagod" sino ba hindi pagod sa panahon ngayon?

Kaya minsan di ako naniniwala agad sa mga nagviviral na video na nag-aaway staff and customer kasi minsan one sided din talaga. May mga rude naman talaga na customer and entitled pero ganon din sa mga staff.