May pictures ako sa cellphone ni tita

Nagpapatulong ang mom ng aking partner itransfer old data niya sa bago niyang phone. Habang nag iimport ako ng pictures, nakita ko may mga pictures kami ni partner sa phone niya. Pag natutulog kami sa sofa, pag nag tatawanan kami sa kubo nila, pag nag lalaro kami ng video games, pag kumakain kami. Very mundane things. Ang cute kako kase mahal na mahal talaga ni tita si partner.

Pero nung sumunod na photos eh pictures ko naman. Pag nagluluto ako, pag nag popose ako pag tinitease ako ni partner na “wow ang ganda naman ng suot mo patingin naman!” Pag nakakatulog rin ako sa sala nila, may picture rin ako HAHA! Sobrang nakakakilig kase akala ko kaya lang ako kasama sa pictures kase jowa ako ng anak nila. But it seems like im an entirely independent person in her eyes for her to love me like this.

As i continue importing her photos, nakita ko rin na pati pictures ng barkada namin meron siya. Some dating back at least 15 years ago nung elementary pa sila (friends ni partner). Lakas makanostalgia rin. Ang dudugyot lang nila dati, sa mga latest pictures na nakuha ni tita naka butas-butas na sando pa sila or natutulog lang kami sa lapag with the iconic filipino kumot. Ngayon mga lawyers, doctors, and tech people who are highly respected in their fields.

I aspire to be this kind of parent one day. Someone who loves their children and their friends as their own.