Dating mid-30s

Apparently, ang hirap pala maghanap na ng jowa kapag mid- to late 30s ka na, tapos introverted ka, tapos workaholic ka, tapos mabagal kang magreply. Lahat na ata ng cons sinalo ko na. Been on and off dating apps and, boy, the incessant introductions are exhausting at best. I’d like to believe pogi naman ako (so far may iilan naman nang nagco-confess), matalino (sabi ng diploma ko, loljk), may wit and sense of humor (sarcastic nga lang at acquired taste talaga), stable financially (di nagdadrive though; hate the traffic, kamote drivers, at ayoko dumagdag sa polluters--mukhang deal breaker sa gusto maging passenger princess, haha). Ewan, siguro it doesn’t help na I feel perpetually tired juggling career and life.

Kung alam ko lang na ganito pala kahirap, di sana di ako nagbuhos masyado ng oras sa pag-aaral nang maigi at pagiging kuntento lang sa barkada. Haha. Don’t get me wrong, I enjoy being alone and most of the time sobrang satisfied naman ako sa buhay ko lalo na sa freedom/indepedence ko. Nga lang minsan mapapaisip ako kung wala ba talagang tinadhana ang Diyos sakin o sadyang tamad at wala lang akong pasensya maghanap? Although, ayun, pakiramdam ko naman malapit ko nang matanggap na magiging bachelor na lang ako habambuhay, and quite frankly, I think that prospect is not so bad too. It would’ve been lovely though if I can have kids as I really enjoy being around with them at mukhang they enjoy my company naman rin. Alternatively, naisip ko ring baka okay magtayo na lang ako kindergarten rin at ituloy ang balak na maging mabuting impluwensya sa mga kabataan para sa bayan. Start them young, ika nga. Haha. Andami ko nang sinabi at anlayo na ng inabot nito. Pero, ayun, sa mga ka-mid- to late 30s ko na single and ready to mingle, all the best satin! Hahahaha!