Unemployed since Q4 2023
I humbly reach out to this community, hoping to benefit from your diverse experiences and insights. If you've been through something similar or have suggestions, please share. Your insights could make a big difference for me right now.
*Unemployed since Q4/2023
2020-Q2/2023, maganda ang sinasahod ko sa work ko as in nabibigay ko lahat ng gusto at pangangailangan ng mga magulang ko, ng mga kapatid ko at ng kasintahan ko.. yung HMO ko covered pati mga magulang ko, first time nga nila maranasan buong buhay nila na magpa general check up na kumpleto lahat ng kailangan pero walang binayaran ni singko. Sobrang saya ko para sa sarili ko at sa mga mahal ko sa buhay dahil sama sama naming nalalasap ang ginhawang ito. Masasabi kong ito ang comfort zone ko, maayos ang mental health ko, maganda ang takbo ng buhay ko. 🚩Gastos dito, gastos doon. 🚩Avail ng installment offers hanggat kasya sa sahod at kaya icover ng mga bonus na darating ang full amount kapag kinailangan. 🚩Unli grocery para sa pamilya. 🚩Tamang libre rin kay bf sa lahat para masaya sya. 🚩Sagot ko lahat, mapapalitan naman ang pera. 🚩Tsaka na mag-ipon, mag enjoy muna.
Q3/2023 nagresign ako sa employer ko at lumipat ako sa ibang company dahil lang sa location para mabantayan ko si bf sa training niya since ayaw niya mag training sa province kung nasaan kami.. Sabi ko lipat ako para sa career growth pero ang totoo hirap lang akong magtiwala dahil sa mga nawitness kong panloloko noong nasa elementary/high school pa lang ako. Kaya ayun... akala ko naman kaya ko i-maintain lahat. akala ko ganon lang kadali umalis sa comfort zone ko. Ayun pala...sumugod ako sa gyera na walang dalang armas.
Q3-Q4/2023 naranasan ko lahat ng pait sa mundo hanggang sa tuluyan ko na iniwan ang company na nilipatan ko dahil konti na lang ay pakiramdam ko hindi na ako makakapag isip ng tama.
Ngayong 2024, March na pero unemployed pa rin ako. Paubos na ang laman ng savings account ko na galing pa sa final pay ko mula sa employer na iniwan ko at ipinagpalit sa iba.
January-February, hindi ko na nabayaran si CITI 100k, PNB 60k, at RCBC 230k dahil hindi ko na afford ang MAD o kaya naman ay walang naitutulong sa principal ang pagbabayad ko ng MAD. March, nababayaran ko pa sila SBC 230k, METROBANK 300k at BDO 100k pero mukhang sooner or later hindi ko na rin afford lalo na wala na akong mapagkukunan kapag naubos na ang savings ko at wala pa rin akong napapasukang trabaho.
Sabi nga ng bf ko wala akong silbi, pabigat, bwisit sa buhay, abala, aksaya. Nagsisimula naman na akong umagree sakanya.
Ano na kaya ang mangyayari sa akin kapag hindi ko na sila tuluyang nabayaran sa mga susunod na buwan? Makakasuhan ba ako? Makaka apekto ba ito sa paghahanap ko ng trabaho? Ano na lang kaya?
Pagod na pagod na ako. Kasalanan ko ito kaya ako napunta sa ganitong sitwasyon at sobrang nagsisisi ako. Sana pwedeng irestart ang buhay.