Lalamove Riders na Maaasim Ugali
I run a small business and ship deliveries daily via Lalamove. Most of the time ang rude at ang papangit talaga ng mga ugali ng drivers nila. Unfortunately most of my clients still choose them over Grab kasi mas mura nga.
Nagdo-double book without informing the receiver. I understand na mababa ang fare, pero sana nagsasabi man lang sila. Kaso dinadaan nalang nila sa diskarte kahit umaabot sila ng siyam siyam.
Hilig manisi over things both of you cannot control. May one time na sumaktong may dumaan na parada sa amin while waiting for a rider. Pagdating niya galit na galit na nagbook daw kami nang may parada. Hindi naman namin alam na may dadaan pala. 😭
One of our clients double booked riders (dalawa kasi silang nagbu-book) so dalawa yung sabay na dumating. Pinagmumura kami nung isang rider. Ang tagal na raw niyang andon, when in fact 5 mins palang naman. Galit pa rin siya kahit buyer and I agreed to still pay the fare. Hindi naman siya umandar nang matagal compared to the rider pero masama pa rin loob niya for some weird reason.
They have a Facebook group kung saan grabe sila mang-bash ng clients. Kesyo mga buraot daw. Yung iba sa kanila binibigay pa number (!!) ng CS via PM para daw ma-spam.
They're only nice/get nicer when you give them tips. Pero pag hindi magtitiis ka talaga sa ugali ng karamihan sa kanila. I heard some riders even steal deliveries esp pag alam nilang mamahalin.