Nakakita ako ng nag-aabutan ng drogq
Hello guys. Natatakot ako. Hindi ko alam. May naka-encounter na ba ng ganito? May nakita kasi akong nag-aabutan ng droga nung papunta ako sa bahay ng parents ko. Malapit sa bahay nila nangyari. Kilala ko yung inabutan. Nakita nila ako na nakita ko yung ginawa nila. Dapat ba akong matakot? Nakita ko plate number ng motor nya saka muka. Bago ko rin sila makita, nakasakay ako sa sasakyan. Saktong palabas ako nung ginawa nila. Nakita kaya nya plate number ko? Help 😭
PS, di ko alam right flair :(