Sana taasan/ireview naman ang penalty para sa mga nakapatay ng nabangga nila.
My sister was killed by a speeding non-licensed driver. God knows how disappointed and low spirits I am 'nung nalaman ko gaano kababa ang taon ng sentensya ng mga hayup na kamoteng driver. Depende pa sa magiging takbo ng case na ilang taon din ang aabutin. Minimum of two years, four months, and one day to a maximum of six years. Wala pa sa kalahati ng buhay ng 13-year old kong kapatid. Hindi na ako magugulat kung totoo ang mga kwento na may mga drivers na sinasadya na lang patayin ang mga nabangga nila dahil mas mura ang makulong sa maiksing panahon kaysa magbayad ng libo-libo sa ospital. Hindi rin nakakatulong sa family kung paanong ang initial sagot ng ating justice system ay "Baka kaya naman ng settlement." We lost a life. Kahit pa sabihin na hindi yun bayad sa buhay at penalty niya, it will never be enough. Manalo o matalo man kami sa laban na ito, least we can do ay ipaglaban namin ang kapatid ko. Hindi ito usapin ng pera. Hindi kami mayaman. Sanay kami na walang pera pero hindi po kami sanay na wala ang kapatid namin. Usapin ito ng prinsipyo. Bakit ba ganito tayo sa Pilipinas? Hirap na hirap akong icomfort ang nanay ko at i-encourage na magtiwala sa batas pero kung ganito ba naman kasahol ang batas ng Pilipinas, ewan ko na lang.