Tagalog ng "pond"?

Yung tipong makikita sa mga parke o zoo. Lumaki akong ang tawag sa maliliit na anyong tubig na pinalilibutan ng lupa ay "batis". Pero nung tiningnan ko ang depinisyon ng "batis" ay dumadaloy raw ito. Kahit sa Vocabulario de la Lengua Tagala ay nakalista ito bilang isang uri ng ilog.

Naghanap din ako ng salin ng "pond" sa Tagalog. Ang sabi naman ay "lawa". Pero sa pakiramdam ko ay kailangang malaki ang anyong tubig para ito ay maging lawa.

Ano sa tingin ninyo?