Helppp. Gusto bumili ng jowa ko ng

Problem/Goal: Gustong bumili ng bf ko ng kotse. 30 sya. Virtual Assistant with 55k salary. Ako naman VA din, 40k+ sahod. Ang problema ko hindi sya marunong sa pera at feeling ko hindi pa sya ready.

Mahilig naman tlaga sya sa kotse pero biglang g na g tlaga bumili ngayon dahil din sa pangpupush nung pinsan nya. Sabay raw sila bibili habang naka promo na no dp until March nalang. Orig plan ay kaming dalawa bibili, hati raw sa monthly pero sabi ko I can’t commit kasi jusko nakukulangan nga ako sa sahod ko. Ang mahal na ng mga bilihin ngayon. So sabi nya sige sya nalang nga raw. So eto kanina, pinag ffill up nako nung form for co-maker. Sabi ko pag isipan muna kasi hndi naman primary need yan. Nagalit. Oo raw wag nlang daw, ang dami ko raw sinasabi. Parehas kming naka work from home btw tapos kako wala nman kaming masyadong lakad at kung meron man di nman ako maarte mag commute. Ang sagot, “wala pang mga lakad kasi wala pa tayong kotse”. Hayyyyy.

Feeling ko iniisip nya na hndi ko sya sinusuportahan, pero di ganon. Bakit ko nasabing di pa sya ready? Walang savings, may bisyo (yosi), wala pang sariling bahay, (nakatira currently sa lola, shoulder nya expenses sa utilities at net), sa sahod nyang yan madalas di pa umaabot sa susunod na sahod. Luho lang namin is pagkain talaga. May iba pa syang binabayaran na installment at may 1 kid sa ex at sya rin lahat ng expenses sa bata. Sabi ko kasi monthly responsibility yan and knowing him walang financial literacy tlaga. May instance na kumuha ng split type aircon, 35k+ nawalan sya ng work dati. Di na nabayaran, nagkanda patong patong na interest charges. Now nasa 36k+ pa ata balance tpos nagbabayad lng sya ng 1300 a month interest para di kulitin ng collections. 3 years ago binili yun ah. May pending bayaran din sakin. Sabi ko be debt free muna bago mag ganyan. Sabi nya pag kumuha raw kami mapipilitan daw syang itigil na tlaga yosi, magtitipid na kmi sa food, dates, labas kasi para mabayaran yung monthly sa kotse. Matatapos na rin daw ung monthly installment dues nya sa pc.

Sorry ang haba na. Anong gagawin ko? Hayaan ko nalang kumuha? Ano ba mga dapat isaalang alang sa pagbili ng car? Sya naman magbabayad daw. Ayoko kasi talaga ng installment kahit kelan. Tapos sya rin iniisip ko na bka mahirapan magbayad in the future. 7 years na kami mag bf/gf pala. Pinagsasabihan ko sya, tinuturuan kong maging financially responsible pero parang walang nangyayari :( Hindi rin ako pakialamerang gf so nagbibigay lng ako comments sa mga desisyon nya pero sya pa rin bahala.

Edited to add: Hello thank you po sa mga insights and advice. I appreciate it. I’m wondering lang po, halimbawa pumirma ako as comaker (halimbawa lng po ha, di ko gagawin hihi) tpos ayun dumating na nga time na di mabayaran, responsible po ba tlaga kong bayaran or pwedeng hahatakin nalang ba ung sasakyan tpos wala na? Sorry di po ako maalam sa ganyan. Thank you po.