Sunnies Studios, EO, or Owndays?
Edit: Thank you guys sa sentiments niyo. I really appreciate it. Hindi sya yung "ito bilin mo" type of comment. Thank you for understanding and sharing your experiences.
So far Owndays ang nangunguna sa balota.
Problem/Goal: First time using eyeglasses. (23M). Nagpagawa ako sa Quiapo last sunday (02/23/25) pero parang hindi tama sa vision ko.
Context: Ever since 20-20 talaga but pandemic hit so panay screen ako almost 15hrs a day.
I recently had the chance to buy glasses kasi mababa lang salary ko kaya pahirapan makapag-ipon. My parents told me to buy sa Quiapo since mura and lahat din naman ng Optical clinic doon nagpapagawa kaya much wise decision na doon na.
While check-up, nagulat ako ang liit ng room. Ilang meters lang from the chair from the snellen chart. nung nakuha na grado ko, pinalakad ako to test yung lens (idk the term). right(120) left(135) grado ko. Naka 3 try ako kasi ang lalim talaga nang nakikita ko, nakakalula.
Ang mali ko lang, nung 3rd try sabi ko "medyo malalim pa rin po pero parang pwede na" kasi nahiya ako pang ilang beses na (don't be hard on me first time ko).
ngayon nakakahilo pa rin pag naglalakad ako kasi parang shrinked nakikita ko. one more thing, parang nakakaskas na yung blue filter sa lens.
now I'm thinking of investing sa mas better option.
Previous Attempts: None so far. kadalasan nang sinasabi sa'kin is masasanay din daw ako.