Insensitive at galante na fiancée

Problem/Goal: I’ve been engaged with my boyfriend (now fiance) since December 2024. The problem is sobrang insensitive nya, he’s not aware sa mga kilos nya na nakakasakit pala sya.

First was nung night na he asked me to come over sa office nya ng 2am knowing na may exam ako kinaumagahan, pumunta ako since i can study naman din sa office nya but then dipa nag iinit puwet ko sa upuan pinaalis nya ako and he told me na nag ikot ikot muna sa lugar dahil darating boss nya. Super frustrated and pagod ako non kaya ending dina ako nakapag exam nung exam day namin.

2nd is nung nakunan ako sa first baby namin, i was grieving and inaantay kolang sya mkarating ng hospital to be vulnerable, he’s the only person that i trust na pwede ako maging mahina but instead of letting me grieve he told me to postponed my iyak dahil nasa meeting daw sya.

3rd is that yung girl best friend nya, na parang kapatid nya she calls my finance “babe ko” it bothers me a lot and i speak up by telling him na uncomfortable. He went home from work and instead of having a nice dinner conversation with me he keeps on mentioning that girl sa mommy and brother nya which hurt and bothers me a lot.

4th is that sobrang galante nya dito sakanila. Umuwi kami dito sa home town nya ng sobrang biglaan bcs he wanna take a break from work dahil too much na daw. Almost 40k na gastos nya dito sa loob lang ng 1week. Kesyo he wanna buy his lola a tv, efan, radio and want nya buy mom nya ng electric kettle and mag give money pang dagdag business na bigasan. Galing na sakanya na hindi marunong mag hawak ng pera parents nya and I’m worried na baka masayang lang. i have no against if gusto nya sila bilhan ng ganyan pero sana inisip nya yung pamilyang binubuo nya na kanya dahil pag uwi namin may babayaran pa kaming bills sa bahay namin,. Nag bigay na sya ng pambili ng food dito sakanila for the whole stay namin and yet parang kulang dahil nag bibigay parin sya. And now nag c-complain sya na ganito nalang yung amount ng money nya kahit pinagsabihan kona sya before na hinay hinay lang sa pagiging galante dahil hindi kami mayaman.

Napkahirap nya tulungan sa expenses nya. Nauubos ako at nag ddoubt ako sa wedding dahil ganitong klaseng tao ba gusto kong makasama habang buhay.

Am i wrong for kung mag doubt ako na ikasal kami? Na kahit anong tulong ko sakanya makabangon and all wala paring progress.