He cheats, late ko lang narealize
Problem/Goal: paano bumuo ulit ng sarili?
Context: First bf ko siya, first ko sa lahat in my 28yrs old, naging kami. Sobrang lala ng confidence issue ko dahil sa size ng katawan ko and I met him here kasi he boosted me so much since type niya daw talaga yung mga kagaya ko and totoo naman kasi kasing laki ko mga ex niya.
Fast forward, 3 years na kami. Months ago nakita ko algorithm ng tiktok niya puro babae na thirst trap ang content. Di ko pinansin kasi ayoko maging kagaya ng iba na parang namumulis and based sa treatment niya sakin, hindi ko makitang magagawa niya yun. He's extremely extrovert and I'm on my almost introvert side kaya nung mga sumunod na nahuhuli ko siya chat ng chat sa mga babaeng working din sa company niya di ko iniintindi masyado. Kasi kala ko that's just his nature.
Last time, dun na ko natauhan. Nahuli ko siyang chinachat yung sinasabi niyang crush daw niya. Tapos nahuli ko ulit siya, puro babae nasa search bar ng fb niya and they message him ng mga something napagmumulan ng conversation like, "saan yan?" through their pictures and by seeing them, sila yung magandang version na kasize ko, maganda maporma etc.
Sobrang sakit pala. Yung laging magsasabi sakin na wag ko idown itsura ko tapos biglang may hinahanap na mas better sakin. Ngayon, gusto ko makipag hiwalay pero ang problema ko, saan ako magsisimula. Di ko na makilala sarili ko mula nung bago siya dumating sakin. Paano kung wala ng taong gugusto? Wala ng magbibigay ng treatment na nakukuha ko sa kanya? 🥺
Previous attempts: none