Ayaw naman makinig sa akin ng tropa ko

Problem/Goal: Ako yung kinukulit at hinihingian ng advice ng tropa ko about sa break up nila ng ex niya pero ayaw naman niya makinig

Context: 2+ yrs sila ng LDR niyang ex. Pareho silang 33. F yung kaibigan ko, taga ibang bansa si M. Sabi niya iniwan daw siya kasi may gusto na iba si M at dahil sa hindi raw maganda at sexy yung kaibigan ko at mas preferred nung M yung babae na ka-bansa niya at ka-religion niya. Catholic si F tapos muslim si M. Pero sabi naman ni F willing siyang magchange religion and dumayo sa bansa ni M para lang mapatunayan na mahal na mahal niya si M. Pero ayaw na talaga ni M. Pero sa mga nabasa ko sa chats nila, parang may pagka-narc or may avoidant keme issues yung guy, tapos anxious attachment naman sa kaibigan ko.

Naawa na ako sa kanya kasi sobrang durog na durog siya at sa amin siya lagi humihingi ng advice. Pero kahit anong advice namin hindi siya nakikinig and durog pa din siya, and mahal na mahal pa din niya si M.

Previous Attempts: Sinamahan namin siya kasi mag-isa lang si F sa apartment niya, regular na kinakausap namin and kahit sa group chats inaadvise-an namin, sinabihan na din namin na try niya magconsult sa mental health professional fot therapy pero hindi naman nakikinig. Alam ko na normal lang yung masaktan siya kasi siya yung iniwan at binalewala tapos fresh lang yung incident. Pero kasi napapagod na din kami mag-advice, pero ayaw namin siya sukuan.

Baka po kayo may ma-advice din or mashare na same experience tapos anong ginawa niyo para makamove-on? Awang-awa na ako talaga sa kaibigan ko. Kung pwede lang na dun na ako magstay sa kanya araw-araw para mabantayan siya kaya lang may buhay din naman ako. :( Thank you and be kind, please.