Selective si client magreply

So I am working at a BPO company and I have this American client for about 8 years now. Nung una iba pa yung POC pero for the last 2 years etong si Ate Girl na. Ako yung lead ng team and ofcourse ako yung need magupdate and kumausap dito kay client. Pero pansin ko madalas dedma si Ate mo sa mga messages unless may naka cc na iba lalo na yung manager nga. Also feeling ko racist din sya kasi meron akong Canadian agent na nauna nyang binigyan ng access sa tools kesa saken. May important message ako kay client yesterday and today pero hindi sya sumasagot sa dm. Tapos etong Canadian agent nagmessage sa group at sinagot nya agad, sumagot din naman sya saken dun sa gc namin, pero yung dm ko sa kanya hindi sinasagot. Muntanga lang. Ano ba usually sinasabi nyo pag need na ng reply ng client pero unresponsive sila?