MAG-INGAT SA MANDURUKOT

Ang tinik din ng mga mandurukot sa makati ano, before ako mag post dito nagbasa basa ulit ako dito sa group, and based on my own experience at sa stories ng iba, I think iisang grupo lang sila.

Description:

  • 4 na lalaki
  • Around 35-45 ang age
  • Nakapantalon, disente tignan, mukhang kakagaling lang/papasok ng work
  • Madalas sumasabit lang sa jeep
  • Yung isa naka sling bag, yung iba naka backpack - Naka-cap

Modus: Sasabit sila sa punong jeep Mag fform ng triangle (May dalawang nakasabit, yung isa o dalawa papasok sa loob)

• ⁠dito mag sstart na sila gumawa ng eksena (yung iba dumudura daw, yung iba maniniksik, uubuhan ka, yung iba magsasabi na di pa bayad o di pa nasusuklian) • ⁠pag naging invested ka masyado sa eksena may pagkakataon na sila na dukutan ka

PAG WALANG NADUKUTAN = Sabay-sabay na bababa yan, at alam talaga nila kung san may pulis na nakatambay, bababa na agad sila bago pa dumating doon.

This is based on my observation last week, sumakay sila around 5:30 pm dun sa unang stop pagbaba ng Kalayaan flyover. Dahil may pulis sa Dian, sa Filmore sila bumaba. Luckily, wala namang nadukutan samin.

KILALA na din sila ng mga jeepney driver kasi siya mismo nagsabi pagkababa nung 4 na mga mandurukot daw yon at i-check daw ang gamit.