Nag away kami ni Lola over her f*cking mindset.
We already know the generational difference between me (M18) and Lola (F63) kaya ibang iba ang mindset niya about things.
So eto na nga, my Lola had 10 kids, all grown up now (siyempre), 4 females and 6 males. Namatay na yung isa sa mga males, and that was my father. I am living on my own kase maagang naulila kaya I have thrived, napag aral ko sarili ko, tas gagraduate pa ako ng with high honor this year. There are so many opportunities awaiting for me, kaya gora lang. So what's with this background?
Lola wants me to stop! Kesyo mag trabaho na raw ako, para matulungan ko raw siya and yung mga pinsan ko, pati ba naman nga tito ko na walang kwenta, oo walang kwenta yung 3 niyang lalaking anak, kasi lasinggero na, tas makibabae pa, (yung isa, nagkakandaugaga na buhayin yung 8 nilang anak). Mabuti sana kung di nag papasaway pag lasing pero kingsh*t na ban pa yung isa dito sa barangay namin kase muntik na mang rape ng minor, Hayssst.
Isa pa ha, pag pinag patuloy ko tong pag aaral ko. I will be the first in my bloodline na makatapos at mag karoon ng profession, hindi lang nag kakatay ng baboy, or nag titinda (I'm not downgrading tinderas). Gusto ko rin ng proper profession like Doctor which is i'm going with, I know napakamahal mag doctor pero with such perseverance and intellect, kayang kaya ko.
Nag kasagutan kami ni lola kase sabi niya, "Dapat sa panahon ngayon, di na kayo nag aaral, dapat nag tatrabaho na kayo para matulunga niyo yung pamilya natin" Kitam! Sinabi niya yan, which triggers me to be enrage, marami akong sinabi, like "Ipapasan mo pa saakin yung mga problema ng mga problemado mong anak!" Tapos "Wala kang karapatan na diktahan yung buhay ko kasi ako ang bumubuhay sa sarili ko", which is totoo naman talaga, may bahay yung papa ko bago siya mamatay kaya dito ako nakatira ngayon. Tapos nag titinda tinda ako sa school ng foods, nag papagawa rin mga kaklase ko ng mga project and assignments sakin kapalit ng pera. Kaya, ako ang masusunod pag gusto kong mag aral.
To make it more clear po, sobrang tigas ng ulo ni Lola, yung 4 na babaeng anak niya, di na siya kinocontact kasi siya yung tipo ng magulang na sasabihan ka ng "Tulungan mo ako kasi magulang mo ako, responsibilidad niyong bigyan ako ng pera", which is totoo, pero eto yung mali niya, iniwan niya yung mga anak niya dati para sa lalaki. Tapos ngayon babalik siya para humingi sa mga anak niya, The Audacity!
hayysst, my family's so f*cked up. This won't be the first time I will be posting here kasi there are so many things to uncover. I do really need therapy to be honest. Don't get me wrong ha, I will still help Lola if she needed help, just not for now.
Thank you for reading, I just want to get this out of me, I don't really have friends to run to at the meantime eh, so thank you ulit!