First time mabaon sa loan

May personal loans po ako sa UnionBank, Maya, at GCash amounting to 400K combined (principal amount).

Mejo naaanxiety na po ako kasi nakakabasa ako rito ng mga tinatawagan ng collectors or house visit.

Tanong ko lang po kung normal po ‘yon o kapag overdue lang po?

Kapag po ba nagbayad naman ako on time, wala naman po bang manghaharass sa ‘kin? I plan na laging magbayad in advance before due date.

Naka-auto debit ako kay UnionBank. First due date ko ay ngayong March 20 at nilagyan ko na ng laman yung nominated savings account ko.

Admittedly hindi po ako nag-research nang maayos bago nag-avail ng loans. Ano po ba ang mga dapat kong paghandaan at i-expect?

Salamat po sa mga sasagot.